tree growing activity banner

17 NOVEMBER 2020 | Inilunsad ang Tree Growing Activity “Pamaskong Handog sa Inang Kalikasan” sa pangunguna ng ating Kuya ng Bayan Mayor Webster Letargo, kasama ang iba’t-ibang samahan at sektor sa ating Bayan. Ito ay upang mas pag-ibayuhin ang pangangalaga at patuloy na pagtatanim ng mga puno sa ating kabundukan, at mga coastal areas bilang panangga sa mga kalamidad at pagbaha dulot ng mga bagyong dinadanas ng ating bansa.

Labis ang pasasalamat ng ating Alkalde sa mga dumalo at nakiisa sa pagbuo ng proyektong ito para sa ating kalikasan. Hangad ng ating lokal na pamahalaan na sa sama-samang pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng ating kapaligiran ay makaambag sa pangangalaga ng kalikasan para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.