Explanatory Description of the Municipal Corporate Seal

(Nasa Wikang Filipino)

At the center is the San Diego Fort, locally known simply as the castillo, which for years has been considered as the symbol of the municipality. The fort is the only one surviving out of the four built in the 18th century (1751-1781) to protect the community from marauding attacks of sea pirates, including foreign invaders, who has made several attempts to overrun it. The castillo therefore, signifies the Gumaqueños’ fortitude and heroism to protect their freedom and what they consider as their own.

From the right (3:00) is depicted a mountain range with the rising sun, the municipality being located in the east, nestling at the foot of the Sierra Madre range. Immediately below is the facade of the municipal building, built in 1921. Nearby are the baluartes and arañas used in the Farmers’ Day (the Feast of San Isidro Labrador). Below are the people dancing on the street for the Pasinaya, the cultural parade which showcases the creative and colorful costumes and dances of the townspeople, held in celebration of the town fiesta or community foundation day, preceding the town patronal fiesta of San Diego de Alcala. At the forefront of the Pasinaya is a couple dancing La Jota Gumaqueña, the primary of the three national folk dances originating from Gumaca (the other two being Jotabal and Del Pilar). At the base on the right side of the muralla is the year 1582, the year Gumaca was founded as a pueblo although oral traditions and oral history have it that the community has been in existence since the 14th century. On the left of the muralla is the green and blue water of historic Lamon Bay. Going upwards and to the right (from 8:00 to 2:00) are the representations of the primary industries that support the community; namely: fishing, coconut, rice, fruits and vegetables, trade and commerce, and banking and finance. These representations are in-between the rays in yellow, green, brown and red emanating from the sun—representing the beauty and bounty of the natural surroundings of the town and the creativity and dynamism of its citizens.

The entire seal is bounded by coir rope signifying the unity of the people not only among themselves but with nature as well.

This municipal corporate seal was conceptualized, given explanation and suggested by Municipal Administrator J. Pepon T. Olivera; drawn and colorized by Alberto Vargas; scanned and retouched by Mangum L. Paril through WinPhoto 1.5 and Muslek Power of Scanning V1.3; endorsed by SB Councilor Carlo Vinci Villafranca for a public hearing of the SB Committee on Laws and Ordinances on 5 March 1998; sponsored by SB Councilors Carlo Vinci Villafranca, Diosdado Olaivar, and Ramon Reynante Castillo on the floor of and approved by the Sangguniang Bayan through SB Resolution #86/98 on 23 March 1998 and signed for implementation by Mayor Juanito B. Bañal as the Official Municipal Corporate Seal.

Mapagpaliwanag na Pagsasalarawan ng Opisyal na Pambayang Sagisag

(Available in English)

Ang nakalarawan sa gitna ay ang Muog ng San Diego na higit na kilala sa tawag na castillo, na sa katagalan ay kinilalang sagisag o simbolo ng pamayanan. Ang kuta ang tanging nalalabi sa apat na itinayo noong ika-18 daantaon (1751-1781) upang paipagsanggalang ang komunidad sa mga mapamuksang pananalakay ng mga tulisang dagat, kabilang na ang mga dayuhan na naghangad at nagtangkang sakupin ang bayan. Dahil dito ang castillo ay nagpapahiwatig ng katatagan ng loob, kagitingan at kabayanihan ng mga Gumaqueño upang mapangalagaan ang kanilang angking kalayaan at kung ano ang kanilang ipinagpapalagay na sa kanila.

Sa dakong kanan (3:00) ay inilalarawan ang isang bulubundukin na may araw na sumisikat, at ang bayan sa gawing silangan sa may paanan ng kaway na bundok ng Sierra Madre. Sa paanan nito ay ang harapan ng gusaling pampamahalaan na itinayo noong 1921. Sa kalapit nito ay ang mga baluarte at araña na ginagamit tuwing Araw ng mga Magsasaka (sa kapistahan ni San Isidro Labrador). Sa ibaba nito ay ang mga mamamayan na umiindak sa mga lansangan ng bayan para sa Pasinaya ang paradang pangkultura na nagtatanghal sa mga mapanlikhain at makukulay na kasuotan at sayaw ng sambayanan, na isinasagawa sa pagdiriwang ng pista ng bayan o araw ng pagkakatatag nito. Isang araw bago ang kapistahan ng patron ng bayan—San Diego ng Alacala. Sa harapan ng Pasinaya ay ang magkatambal na nagsasayaw ng La Jota Gumacaqueña, ang pangunahin sa tatlong katutubong sayaw (ang dalawa pa ay ang Jotabal at Del Pilar) na nilikha ng mga taga-Gumaca. Sa baba o puno ng sagisag, sa gawing kanan ng muralla, ay ang taong 1582—ang natalagang taon ng pagkakatatag ng Gumaca bilang pueblo bagama’t sa umiiral na tradisyong oral/pananalitang kasaysayan, ito ay pinahihirahan na noon pang ika-14 na daantaon. Sa pataas at papuntang kanan (simula 8:00 hanggang 2:00) ay ang pagsasalarawan ng mga pangunahing industriya na tumataguyod sa pamayanan; alalaong baga’y: pangingisda, niyog, palay, prutas at gulay, komersiyo at pakikipagkalakalan, at pagbabangko at pamumuhunan. Ang mga simbolong ito, napagigitnaan ng mga sikat ng araw—kumakatawan sa kagandahan at biyaya ng likas na kapaligiran at sa pagiging mapanlikhain at masiglahin ng kanyang mga mamamayan.

Ang sagisag ay napalilibutan ng dalawang lubid na gawa sa bunot ng niyog na kumakatawan naman sa pagkakabuklod ng sambayanan hindi lamang sa isa’t isa kung hindi pati sa pagkakabuklod nila sa kalikasan.

Ang pambayang sagisag na ito ay isinaisip , binigyan ng paliwanag sa panulat at panukala ni Pambayang Tagapangasiwa J. Pepon Olivera; iginuhit at at nilapatan ng kulay ni Alberto Vargas; isinakompyuter at pinag-inam ni Magnum L. Paril sa Pamamagitan ng WinPhoto 1.5 at Mustek Power of Scanning V1.3 at Mustek Power of Scanning V1.3; itinawag ni SB Kagawad Carlo Vinci Villafranca sa isang pambayang pandinig ng Lupon sa Batas at Ordinansa ng Sangguniang Bayan noon 6 Marso 1998; iminungkahi na pagtibayin nina Kagawad Carlo Vinci Villafranca, Diosdado Olaivar at Ramon Reynante Castillo at pinagtibay ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Kapasyahan Blg. 86/98 noong 23 Marso 1998 at nilagdaan ni Punong Bayan Juanito Bañal bilang ipinaiiral na Opisyal na Sagisag ng Bayan.