recipe illustration

Manok na Nilaga sa Sibuyas at Bawang na Nakatutulong Magpagaling ng Impeksiyon sa Baga

Salin ng “Onion, garlic-rich chicken soup to heal lung infections” ni Reggie Aspiras, Philippine Daily Inquirer / 05:10 AM, April 16, 2020

Ang nilagang manok ay kilalang panglunas para sa mga may masamang pakiramdam. Marami nang artikulo ang tumukoy sa nilagang manok bilang pantulong sa paglaban sa bagong coronavirus disease (COVID-19) ang naglitawan. Tinanong ko si Dr. Jimmy Galves Tan kung paano at bakit ang pangkaraniwang nilagang manok ay nananatiling “ang nilagang pampagaling.”

Si Doc Jimmy, ang dating Kalihim ng Kalusugan na nagpa-practice ng integrative medicine at pinagsasama ang medesina ng North America at Europa sa pinakamahusay na tradisyonal na gamot ng Asia at Pilipinas. Ito ang masasabi niya: Sa traditional Chinese medicide, ang manok ay itinuturing na pangkaing “yang”, base sa konspeto ng yin/yang, kung saan ang yang ay mainit at ang yin ay malamig. Para ang isang tayo ay magkaroon ng magandang kalusugan ang enerhiya ng yin at yang ay dapat na balanseng estado. Kung ang isang tao ay may sipon, ubo o trangkaso, ang pangkaing itinuturing na yang ang nagbibigay na mainit na pakiramdam sa katawan at ito ay mainam para sa mga sakit sa baga. Ayon kay Tan, ito ang dahilan kung bakit ang tawag sa sakit ay “cold,” dagdag pa niya, ang chicken soup ay may drying effect. Tinutuyo nito ang mucus (sipon) na nasa mga lagusan sa ating mga bagâ.

Ang chiken ay may cysteine, amino acid na kailangan upang gawin ang gluthatione, isang malakas na antioxidant. Ang cysteine ay natural na napapagaling ng mga sakit sa bagâ, lagnat at pamamagâ. Kung ang pinaglagaan ng manok maraming sibuyas at iba pang mga gulay gaya ng celery, carrots at bawang, nati-triple ang positibong epekto nito sa pagpapagaling ng upper respiratory tract infections.

Ang sibuyas ay may allicin (alisin ang sakit?) at ang mga sulfur compounds na nasa volitile ay nakapipigil sa viral infections. Ang sibuyas ay tumutunaw ng plema at matagal nang ginagamit bilang panlaban sa ubo, sipon, trangkaso at bronchitis.

Synergy

May synergy kapag may ibang sinamahan natin ng ibang sangkap ang luto. Ang celery ay mayaman sa vitamins A, B, C, E, minerals, iron, potassium, calcium, phosphorus, magnesium, potassium at pectins. Ito ay nagpapabuti ng intestinal walls at kapag giniling ay nagpapaganda ng bowel movement.

Ang bawang ay kilalang nagpapaganda ng takbo ng immune system. Ayon sa pag-aaral, ang araw-araw na pagkain ng bawang ay nagpapababa ng insidente ng sipon ng 63 percent. Ang average na tagal ng sintomas ng sipon ay nabawasan ng 70 percent, sa halip na limang araw naging isa’t kalahating araw na lang. Ito rin ay may mga antioxidants at may antibacterial, antiviral at antifungal properties. Maging alerto sa pagkain ng sibuyas kung gumagamit ng blood thinners.

Gawing pampalasa ang asin ng dagat. Ito mayaman sa minerals at electroylytes numutulong upang mapanatiling hydrated ang katawan. Ang dami ng sustansiya sa asin ng dagat ay nakatutulong sa katawan upang mapanatili nito ng mas matagal ang body fluids. Dagdagan ng paminta para sa mga antioxidant properties kabilang ang pagpapabuti ng digestion, panglunas sa sipon at ubo at pampabuti ng metabolismo. Para sa Oriental flair, samahan ng luya at turmeric, kilalang maraming benepisyo ang mga ito.

Bilin ni Dr. Jimmy Galves: Kumain ng nilagang manok bilang pampigil at pampagaling. Mas maganda kung gagamit ng organic na manok na walang hormones, walang steriods at walang antibiotics. Maaring gumamit ng mga native na organic na manok. Ngayon pinakamainam na gumawa ng nilaga na maraming sibuyas!

Narito ang aking recipe ng nilagang manok na panlaban sa plema, na siyempre aprubado ni Dr. Jimmy

Nakasanayang Nilagang Manok para sa katawan at diwa.

Nilagang Manok

  • 4 kutsarang langis ng niyog o olive.
  • 3/4 hanggang 1 kilo ng organic na manok, maliit na putol (pang nilaga)
  • 8 tasang tubig
  • 3 malaking sibuyas, mga 3 cups, pino ang gayat
  • 2 kutsarang bawang na durog
  • 1 tasang celery, maliit ang gayat
  • 1 tasang carrots maliit ang gayat
  • 1 kutsaritang pamintang buo
  • 1 kutsaritang ng asing dagat

Sa kaserola, iprito sa langis ang mga pinutol-putol na manok hanggang maging brown. Idagdag ang sibuyas, bawang, carrots at celery. Kung Oriental o Filipino style ang nilaga, dagdagan 2 buong turmeric na hiniwa-hiwa at 6 pirasong luya na hiniwa-hiwa.

Lutuin habang hinahalo sa loob ng 20 minuto o hanggang lumambot ang mga gulay. Upang ma-develop ang lasa, huwag paikliin ang prosesong ito.

Dagdagan ng tubig. Pakuluin ang nilaga. Pakuluin sa mahinang apoy sa loob ng 45 minuto. Ang nilaga ay sapat sa 5-6 tasa. Iangkop sa panlasa gamit ang asin at paminta. Maaring lagyan ng liquid seasoning upang gawing mas malasa ang resulta.

Para sa chiken noodle soup, dagdagan ng 60-100 hilaw na spaghetti, pinutol-putol ng 1-2 pulgadang haba, o fideos, ilaga hanggang maluto. Kung nanaisin, dagdagan ng repolyo at bok choy, ipang huli ang green onions o parsley. Para sa Oriental Flavor, dagdagan ng fish balls at bok choy at pianghuli ang cilantro sprigs. Maari ring gamiting pampalasa ang toyo. Para sa Filipino twist, dagtagan ng talbos ng kamote, sweet potato tops, kolitis/uray (amaranth), dahon ng malunggay, dahon ng saluyot at dahon ng sili. Gumamit ng bagoong bilang pampalasa.

Ang mga ito ay mayaman sa minerals, amino acids, antioxidants at prebiotics upang malakasin ang resistensiya.

Translated from: https://lifestyle.inquirer.net/361093/onion-garlic-rich-chicken-soup-to-heal-lung-infections/


Stay home. Stay informed. See list of official information resources by the Local Government Unit of Gumaca under the leadership of “Kuya ng Bayan” Mayor Webster D. Letargo.