Kaunlaran sa gitna ng Pandemya, abot kamay sa Bagong Gumaca!

Personal na binisita ng Kuya ng Bayan, Igg, Webster D. Letargo ang construction site ng itatayong Puregold Supermarket sa Brgy. Buensuceso kahapon, September 15, 2020. Matagal na nating hinihintay ang pagkakataong ito at ngayon ay tuloy-tuloy na.

Labis na ipinagpapasalamat ng ating Alkalde ang pagsisimula ng proyektong ito na magbibigay daan sa maraming oportunidad para sa ikauunlad ng ating mamamayan at ng buong bayan. Maraming trabaho ang malilikha, at sisigla ang komersyo sa ating pamayanan.

Mahalaga na maging sa gitna ng krisis ng pandemya, ay naipagpapatuloy natin ang ating misyon at magandang hangarin para sa ating bayan

Ang pagtutulungan at ang patuloy na pagkilos para sa ating mga  pangarap, ang ating lakas tungo sa Bagong Gumaca!

#BagongGumacaTungoSaKaunlaran

#WeLoveGumaca

Patuloy ang Paglilingkod Para sa Bayan

Nagpulong muli ang Gumaca Municipal Task Group for COVID-19 kahapon, September 10, 2020, sa pangunguna ng Kuya ng Bayan, Igg. Webster D. Letargo. Bagaman walang naiulat na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating bayan ng nakaraang araw, ito’y ipinagpapasalamat natin ngunit patuloy tayong nakaantabay at naghahanda, at pinagpaplanuhan ang bawat hakbang para sa kaligtasan ng mamamayan.

Saludo ang ating Alkalde, sa bawat ahensya at kawani ng ating Pamahalaang Bayan, sa mga opisyal ng bawat Barangay, Frontliners at Healthcare Workers and Professionals na kaagapay natin sa pagtugon sa lahat ng sitwasyong kaakibat ng pandemyang kinakaharap natin.

Gayundin ang pasasalamat sa bawat mamamayan na matapat na sumusunod sa ating Public Health Protocols. Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat. Kumilos tayo ng tama at naaayon sa kapakanan ng karamihan.

Ngayon natin mas ipakita ang pagmamahal sa kapwa at ating bayan, dahil #WeLoveGumaca, bahagi ka ng solusyon!

#KayaNatinIto

#WeLoveGumaca

#BagongGumacaMamamayanMuna