Villa Arcaya

Noong unang panahon, ang Baryo ang siyang dating pangalan na ngayon ay Barangay Villa Arcaya. Na may iisang Pamahalaang Barangay na dito’y umuugit. Sa pagdaan ng maraming taon, iilan lamang ang aninirahan dito kahit sa napakalawak ng lupang nasasaklaw ng Barangay Inagbuhan. Dahil dito, ninais ng mga naninirahan dito o nang mga propetaryo na namayapa na magkakaroon ng dalawang Sitio na pinangalanang Inagbuhan Ibaba at Inagbuhan Ilaya. Ang pinaka sentro nito ay ang Inagbuhan Ibaba sa kadahilanang dito naninirahan ang nakararami at mga propetaryo.

 Sa panahong ito’y nanunungkulan bilang Punong Bayan ng Gumaca ang namayapa ng si Donato Arcaya at ang kanyang konsehales. Samantalang ang pinakamataas na nanunungkulang sa Baryo noon ay enkargado ang katawagan. Minsan sa isang pulong pangkalahatan ng Barangay Inagbuhan ay nagkaroon ng panukala na ang Sitio Inagbuhan Ibaba at Sitio Inagbuhan Ilaya ay pagdalawahing Baryo o paghiwalayin.

Sa kabila ng panukalang ito na idinulog sa pamunuan ng Barangay Inagbuhan, ito’y hindi agad napagpasiyahan. Matapos ang mga pagtatanong sa mga mamamayan ng Baryo Inagbuhan at sa mga kinauukulan sa Pamahalaang Bayan ng Gumaca, muling nagpulong ng pangkalahatan ang baryo. Dito’y pinagpasyahn ng mga namumuno at ng lahat ng naninirahan dito na ang Brgy. Inagbuhan Ibaba ay ihiwalay na sa Inagbuhan Ilaya at gawing dalawang Baryo.

Dito’y napagkaisahan na ang Inagbuhan Ibaba ay pangalanan ng Baryo Villa Arcaya sunod sa pangalan ng naging Punong Bayan, Kgg. Donato Arcaya.

Mula noon magpahanggang sa kasalukuyan ay nanatiling Barangay Villa Arcaya at ganon din ang Barangay Inagbuhan Ilaya.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us