Labnig

Nang lalong mapahalagahan at mauunawaan ang pinagmulan ng isang bagay o lugar,kailangang ang pangkasaysayang sitwasyon ng nasabing bagay o lugar. Pangunahin dito ay ang mga natutunan nating mga aralin ukol sa mga  kabanata na pinagdaanan n gating kasaysayan bilang bansa. Kabilang dito ang mga sunaunang taong naninirahan sa ating bansa o ang mga ninuno. Sila ay ang mga Negrito o Ita, mga Malayo at kinalaunan ang mga Indon mula  sa Indochina. Kinakailangan ding maiugnay ang mahalagang sandal mula sa nakalipas. Ang panahon ng mga Lakan at Datu. Ang panahon bago ang panankop ng Espanya. Ang simula ng kolonisasyon. Ang pagsiklab ng himagsikan. Ang panahon ng Amerikano. Ang ikalawang digmaan pandaigdig.  Ang liberasyon. At ang di matatagalang nakalipas. Hindi rin dapat kaligtaan ang pisikal na anyo at kalagayan n gating kalikasan noon sapagkat ito ang magsisilbing patunay na sadyang  sagana tayo sa likas na yaman noon. Lahat ng bagay, mapa-anyong tubig o lupa at ang mga nabubuhay na bagay dito ay dapat mapahalagahan. Particular dito ay ang mga puno at luntiang halamang dito lamang sa atin matatagpuan. Halimbawa na ang puno ng Narra sa siya nating  pambansang kahoy . Tulad din ng Narra ang isang  pangkaraniwang halamang  nais dakilain ng isang alamat sa likod ng isang magandang pangalan. Isang halaman na naging sandigan upang umusbong ang isang matatag na pamayanan.ito ay ang halamang kung tawagin ay palasan. At kung an gating kaisipan ay nagtataglay na ang hinihiling na pagbabalik – tanaw handa na nating simulant ang pang-unawa sa mga kuwento o alamat na ating pinagmulan.

Ano ba ang palasan? Ang palasan ay isang uri ng puno na nabibilang sa pamilyang “vine” ito ay karahilang tumataas na para ang sa kawayan, depende sa taas ng bagay na kinakabita nito. Lumalaki ang katawan nito na gahita ng isang tao. ang mga dahon nito ay maihahalintulad sa dahon ng “sasa” lamang ay matinik ang mga pagitan ng pinka-dahon nito. Higit na kilala ang palasan sa tawag na uway, yantok o ratan. Ito ay namumunga ng maliit na prutas na parang lansones kaya lamang  ang kulay nito ay nag-aagaw dilaw-kayumanggi. Limuran ang tawag sa prutas nito. Ang dahon nito na siyang napatanyag sa tawag na labnig ay naging kapakipakinabang sa mga naunang  tao dahil ginagamit nila ito sa pagbuo ng kanilang tirahan. Kung paano naging labnig ang ngalan ng dahon nito, kasaysayan ang makapagsasabi.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us