Hagakhakin

Maraming mga pook sa ating kapuluan ang nabigyan ng pangalan batay sa mga matatagpuan dito at isa na dito ang hagakhakin. Ang kasaysayan nito ay isang magandang look ng lamon  na minsay narrating ng pangkat ni Apo BIMBE sa paghahanap ng tirahan  at nagustuhan nila ang nasabing lugar kayat silay dito nanirahan. Ang nasabing lugar ay katatagpuan ng maraming puno ng Hagakha na nagbibigay lilim at tirahan ng mga hayop at kagamitan upang gawing bahay. Sa pagpupulong ng pangkat ni Apo Bimbe napagkasunduan ng bigyan ng pangalan ang lugar na ito, kayat itoy pinangalang Hagakha sapagkat itoy katatagapuan ng maraming puno ng Hagakhak. Sa tuwing magdaraan ang mga tao ay sinasabi nila na ito ay akin. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nawawala ang mga punong ito hanggang sa itoy tawaging Hagakhakin.[/dropcap

Ang Barangay Hagakhakin ay may 10 kilometro buhat sa bayan ng Gumaca. Itoy may lawak na 273 metro kuwadrado. Ang nasa dulong Silangan (Southwest) ay ang Binambang at ang nasa  Northeast. Ay ang Camohaguin at nasa Southeast ay ang Lamon bay. Ang Barangay na ito ay may isang ilog sa pagitan ng Purok Overhead. Ang dulo ng ilog ay patungong karagatan na sakop ng Purok Intramuros. At ang karagatang itoy dinarayo ng maraming tao dahilan sa kanyang angkin kagandahan at kalinisan. At sa kabilang dulo ng ilog na ito ay katatagpuan ng isang magandang talon na kung tawagin ay “Busay” na dinarayo rin ng mga nakakaalam nito upang doon maligo at masdan ang kanyang kagandahan at kalinisan.

Ang Barangay Hagakhakin ay may kabuuang populasyon na 1,468. Ang pamilyang naninirahan dito ay bilang na 299. Ang babae ay may bilang na 719 at ang lalaki ay may bilang na 749. Ang karaniwang  yari ng bahay dito ay yari sa anahaw,kawayan, at table. May mangilanngilang  konkreto. Ang mga bahay dito ay may kuryente at ang ilan naman ay wala. Sa ngayon nag linya ng kuryente sa mga looban ng mga purok at itoy nagkaroon na rin ng sariling transpormer ng kuryente.

Ang mga naninirahan sa Baragay na itoy karaniwang tagalog, mayroon ding mangilangilan Visaya,Ilocano, at Bicolano. Ang karaniwang Relihiyon ay katoliko at may mangilan-ngilan Iglesia ni kristo at Born Again. Ang karaniwang hanapbuhay dito ng ulo ng pamilya ay ang pagsasaka at pangingisda , ang iba naman ay driver, ang ibay sa mga pabrika nagtatrabaho, may mangilan-ngilang professional katulad ng guro, engineer at accountant. Mayroon din naman  may bilang na 105 ang 47 ay sa pribado nagtatrabaho ay 38. Ang karaniwang buwang kita ng mga naninirahan dito ay P1000 – P2500 at sumunod ay P6600 – P7500 may ilan din naming kumikita ng P7500 – P10,000 at ang may sariling negosyo at ang parehong kumikita sa pamilya ay may kabuuang kita na mula sa P10,000 – P15,000.

Ang hagakhakin ay unti-unting umuunlad, itoy may sariling Day Care Center, Health Center, Barangay Tanod Outpost, Tanggapan ng Sangguniang Barangay, SK Hall at Paaralang Elementarya. Ang mababang paaralan dito ay may sariling deep well, at may sariling  Restroom at Comfortroom at mayroon ding sariling palaruan. Ang mga mag-aaral dito ay may bilang na 223 at ang mga guro sa mababang Paaralan ay may bilang na 5 at ang Head Teacher ay (1) isa. Ang mga pumapasok sa Daycare ay may bilang  na 19 at sila ay may isang Day Care worker. Ang mga pumasok sa kolehiyo ay may bilang na 12.

Ang barangay ay may dalawang deep well at may  patubig na isa at maraming shallow well na siyang pangunahing pinagkukunan nila ng pang-araw-araw na tubig na ginagamit sa mga Gawain, ang deep well ay siyang pinag kukunan ng buong  barangay ng tubig na maiinum.

Ang Hagakhakin ay may magandang  karagatan na siyang pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan katulad ng pangingisda. At ito rin ang dinarayo ng mga picnickers na nag bibigay ng pag kakakitaan sa mga may-ari ng resort na ito. Ito ay mayroon ding taniman ng palay na umaani lamang  sa tulong ng sariling panahon dahil walang patubig ang mga palayan dito. Ito rin ay may mga bundok na sakop na siyang pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan katuladng niyog at saging. Ang mga bundok na ito ay napapkinabangan din sa pagtatanim ng mga gulay, prutas at lamang lupa katulad ng kamote,saging,ubi,gabi at balinghoy. Ang kapatagan rin ng barangay ay may mga bahayan at ang mga sariling  bakuran ay  may mga tanim na halaman,Bulaklak,punong kahoy at prutas, mayroon din namang may mga alagang hayop. May mga nagtatanim din nga mga orchids na ang  pinagkakakitaan.

Ang mga purok ay mayroong mga Barangay Road, Pathway,Waiting shed, bahay pulungan. Ito rin ay may sariling simbahan ng Katoliko at ang samahan sa simbahan ito na siyang tumutulong sa pag-unlad ng relihiyon ay ang MSK sa pangunguna ng mga Kagawad at sa kabutihang loob ng Kapitan ng barangay na siyang adviser nito.

PANGKABUHAYAN

Ang Barangay Hagakhakin ay may sari-sari store, ang mga hanapbuhay dito ng mga residente ay ang pananahi,pagpipilot,pangingisda,pagsasaka,karpentero,electrician,driver,mekaniko,kantero,tubero,mangagawa ng itak,beautician,barbero, mayroon ding mga guro inhenyero, clerk at mga nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang mga samahan dito ay ang mga sumusunod:MARE,RIC,BHW,FARMERS,WOMENS,NOVEMBER 30 CLUB at BIGKIS LAKAS.

Ang kulturang ginaganap dito ay pagdiriwang ng kapistahan ng barangay sa pagala-ala sa kaarawan ni San Antonio de Padua tuwing ika-13 ng Hunyo 2002 at ang pagdiriwang ng May Flower Festival at Sta. Cruz de mayo sa ala-ala ni San Isidro Labrador tuwing ika-11 ng Mayo.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Isidro Labrador tuwing ika-11 ng mayo at may roon ding palabas ng mga kulturang sayaw at awitin, at sa gabi ng kapistahan ay nagdaraos ng sayawan at ang pag-alay ng misa sa may kaarawan na si San Antonio de Padua sa umaga  at ang pag-procession sa butihing santo.

At sa pagdiriwang ng San Isidro Labrador ay nag kakaroon ng balwarte ang bawat purok at nagkakaroon ng novena sa naturang santo at nagkakaroon ng Sta. Cruz de Mayo na binubuo ng mga Bata at Kabataan na siyang nagsisimbulo ng sagala at mga reyna.

PAGSUSURI

Ang pangunahing  suliranin ng barangay ay ang kakulangan sa pondo para sa pagpapa-unlad ng Barangay pangunahing ng sakahan at pangisdaan, kakulangan sa mga pananim, kakulangan sa kagamitang pansakahan,kagamitang pandagat, patubig at ang pangkabuhayan.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us