Bungahan

Ayon sa aking pagsasaliksik. Bago pumanaw ang aming nakatatandang ninuno at tagapayo.G. Benito G. Segui. Naging ex-konsehal ng Bayan ng Gumaca taong 1951.

Noong unang panahon ang lugar na ito ay walang pangalan at ito ay  nasasakupan pa ng isang barangay na tinatawag nating Brgy. Mabunga. Noong una sa lugar na ito ay iilan pa ang naninirahang pamilya may mga halaman ata hayop na alaga. Mabuti ang samahan at magkakaisa ang ilang makakalapit sa pook na ito.

Hindi nagtagal ang lugar na nagmula sa maliit at ilang pamilya ay biglang  yumabong naragdagan ang bilang ng pamilya. Sapagkat may mga dumating  na nagmula sa ibang bayan o lugar. Upang dito na manirahan. Nagkaroon na ng maraming mga halaman bunga o ang nganga. May pagkakaisa ang mga naninirahan dito. Kung kayat nagkaroon ng kaisipang hilingin nag awing isang barangay o barrio na nag pook na ito ay dahil mabilis o madaling pagyabong nito.

Ayon sa aming matatanda taong 1921 ganap na siyang  pitong (7) taong gulang noon. Ng hilingin ng Tenyente del Barrio na ibigay na Independiente o kalayaan sa lugar na ito. Bilang isang anak ng Brgy. Mabunga at noon bilang pagbibigay ng kalayaan ganap na 7:00 ng gabi ang mga mamamayan sa pook na ito ay may ibinigay na ang kalayaan nito upang makapagsarili Ganap na Malaya ang lugar na ito. Binigyan ng pangalan at lawak ng nasasakupan mula noon ang pook na ito ay matatawag na isang barangay, mula sa anak ng Barangay Mabunga, ibinigay ang pangalang pook bunga nito Yumabong, dumami at nagbungahan. Mula sa mga halamang nabubungahan kayat di nagtagal tinawag itong Barangay Bungahan.

Ang Brgy. Bungahan na nagsimula sa maliit na bilang ng pamilya may lawak o laki na 28 hectares ay matatag na barangay Ito ay binubuo ng ilang bundok,burol,ilog at mga sapa. Ang dating tanim ng mga niyog at Bunga ay nadagdagan pa ng ibat ibang uri ng halaman tulad ng saging,kamote,pinya at ibat ibang uri ng  punong kahoy at bungang kahoy. Ang puno ng niyog ang pangunahing produkto at pinagkakakitaan ng mga mamamayan dito.

Nagmula sa iilang bahay at pamilya, naging matatag at may marangal na ikinabubuhay ang pagsasaka o ng paglilinang sa pamamagitan ng mga unang namuno dito. Ang mga Tenyente del Barrio pa noon. Nakapagtayo ng isang Barangay Hall at Munting Kapilya. May mga samahan itinatag. Ang Samahang Nayon.

Ang unang namuno o naging Tenyente del Barrio dito ay sina G. Elpidio Francia Roman Decena, G. Silvestre Mendoza, G. Faustino T. Taracina, G. Estelito Francia, G. Felimon Manalo, G. Delfin Saavedra, G. Narciso Maranca at G. Nicanor Tanada

Sa ngayon ang barangay bungahan ay mayroon ng ganap na pagbabago ang Barangay Hall na tinatawag na nakapaloob na ang isang opisina ng Sangguniang Barangay, may matatawag na ring  matatag na Barangay Hall stages. Mga kagamitang panloob ng Bahay Nayon at iba pa.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us