Binambang

Noong unang panahon ang barangay binambang ay barangay San Jose na kung saan ito ang Patron ng nasabing barangay. Ito ay pinakaliblib na lugar na magkakalapit na barangay. Madalim na lugar ang barangay San Jose. Dahil ang mga naakatanim dito ay puro bakawan sa halip na palay. Lumipas ang panahon ang barangay San Jose ay laging punong-puno ng tubig tuwing umuulan dahil malapit sa dagat. Kayat ang naninirahan sa barangay San Jose ay laging alisto pag umuulan o bumabagyo dahil bumabaha na nagmimistulang dagat dagatan.

Minsan isang tao ang nagsimulang magbang-bang ng Barangay San Jose Papuntang dagat. Hanggang ang mga taong naninirahan dito ay tulong tulong nang magbang-bang at magpaunlad ng nasabing barangay.

Lumipas ang matagal na pangahon ang madilim na barangay San Jose na dating taniman ng bakawan na siyang  taniman ngayon ng palay na siyang kinabubuhay ng mga taong naninirahan sa barangay San Jose.

Sa ngayon ang dating  barangay San Jose ay Pinangalanang Barangay Binambang na nagmula sa salitang Binambangan. Na hanggang sa kasalukuyan na siyang ginagamit na pangalan ng Barangay Binambang.

Ang Barangay San Jose noong unang panahon ay pinalitan o pinangalanang Barangay Binambang hanggang sa kasalukuyang panahon.

Ang Mga Taong Unang Naninirahan

Ang mga taong unang nanirahan dito ay halos ang tinatawag na propitario o yaong may mga sariling lupa hanggang ito ay madagdagan.

Pangalan Ng Pook o Sityo

Ngayon ang Barangay Binambang ay may 3 pook o sityo. Ang una ay sityo 1 na kung saan ay sumasakop sa kasalukuyan 43 bahay at ito at may sakop na paaralang Elementarya ng Binambang at Day Care Center. Ang ikalawa naman ay ang sityo 2 na kung saan naman ay binubuo ito ng 38 bahay at dito nasasakop ang bahay nayon at Erunita ng Barangay ay ikatlo at sityo 3 na ito naman ay binubuo ng 48 tahanan at dito naman makikita ang malawak ng palaisdaan.

Pagdiriwang Ng Fiesta

Ang fiesta ng barangay ay pagdiriwang  tuwing sumasapit ang ika-19 ng Marso bawat taon at ito ay ipinararangal sa poong San Jose na ito ang Mahal na Patron ng Barangay Binambang.

Lawak Ng Lupain

Ang lawak ng lupain ng Barangay Binambang ay himigit kumulang sa _ Ektarya at ito ay bumubuo ng niyogan,palayan at palaisdaan at kapatagan  na kung saan ang halos tinananiman ng mga naninirahan dito.

Sa kasalukuyan ang mga taong naninirahan dito ay humigit kumulang 700 katao at lalong higit na ikinabubuhay dito ay pagtatanim ng palay ay pagkokopra.

Marami ng proyertong nagagawa sa Barangay tulad ng Day Care Center, Health Center, Spring Development at mga Deep Well at Waiting shed na makakatulong sa pakikinabangan ng mga mamamayan ng barangay.

Ang karatig Barangay ng Barangay Binambang sa parting Lopez ay Barangay San Vicente at parting Gumaca naman ay Barangay Hagakhakin.

back to top

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us