Maunlad

Ang Barangay Maunlad, Gumaca, Quezon ay mula sa ideyag “Maunlad ba Komunidad” na ipinangalan ni Barangay Kagawad Roldfo Olivar, Dahil dito matatagpuan ang sentro ng komersyalismo ng bayan ng Gumaca Quezon tulad ng Palengke malalaking tindahan at Grocerya, Bangko(QDB). Terminal ng sasakyan (PNR,BLTB,JEEP at TRICICLY), mga ilang bodega, ng malalaking  kumpanya (Coca Cola,Pepsi cola at San Miguel Beer) at nga lugar aliwan tulad ng Solomom Bowling ay aurora theafer.

Itinatag ito noong 1974 sa bisa ng Presidential Decree No. 557 ni pangulong Ferdinand E. Marcos. ang  kauna-unahang kapitan ng Barangay Maunlad ay si Kapitan Domingo R. Indrinal Sr. at siya ay nanumpa kasama ng kanyang mga kagawad Rodolfo Olaivar. Rading Victoria, Teresa Dela rosa, Gil Montilla at Cipriano Borja, Kalihim Godofredo Altez at Ingat-Yaman Amelia Noriel kay Mayor Teodosia V. Principe. At ang Unang Pulong ng pamunuang barangay ay ginanap sa tahanan nina Gng. Amelia Noriel Dito pormal na tinawag itong “Barangay Maunlad”

Ang  populasyon nito noong bago ito maging Barangay Maunlad ay nagmula sa ibat ibang bayan, lalawigan at Rehiyon. Malaking porsiyento nito ay dayuhan mula sa (Batangas,Laguna,Bicol region,Visayas ng mga bayan sa Quezon Province at mga tinatawag na Filipino Chinese) ang pamilya nina  Mariano Barretto melinon Tanada at Marciano Principe ang tanging matagal na naninirahan sa Barangay maunlad.

Ang kalupaan nito ang siyang pinakamaliit sa sukat ng barangay ng Poblasyon ng Gumaca, Quezon na tinatayang humigit kumulang apat na ektarya.

Ang pangunaging ikinabubuhay o hanapbuhay ng mga tao dito ay ang pagnenegosyo at pamamasukan sa mga negosyo.

Government Links

Contact Us

  • unitLocal Government of Gumaca
  • phone(042) 317-6335 | (042) 317-7591 (8:00 - 17:00)
  • maillgugumaca@ymail.com
  • map J.P. Rizal St., Brgy. Pipisik, Gumaca, Quezon (4307)

Follow Us